Pinarangalan ngayon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahilan sa commitment at suporta nito sa pag-iimplementa ng mga programa at serbisyo nito sa mamamayang Cagayano.

Sa ginanap na regular flag raising ceremony ngayong Lunes, ika-4 ng Marso, ipinasakamay ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang Plaque of Appreciation kay Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor bilang pagkilala ng DSWD sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Kasabay rin nito ang Plaque of Appreciation para sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center na tinanggap ni Engr. Pearlita P. Mabasa, Provincial Agriculturist ng PGC.

Bukod rito, pinuri ni PA Villaflor ang inisyatibong ginawa ng City of Makati nag bigay ng tulong pinansiyal sa halos dalawang daang local government units (LGUs) sa buong bansa kung saan kabilang dito ang probinsiya ng Cagayan.

“It is a privilege and honor that we received a donation from the richest city in the Philippines, as they give back to LGUs as a part of their corporate social responsibility and integrated in their DRRM plan being awarded as the most resilient city. This should be an eye opener for us, what Makati City is doing, let us inspire and motivate each other,” ani PA Villaflor

Ibinida rin nito na maging ang pinakatanyag at pinakamalaking unibersidad ay pinuri ang mga nagawa at mga ideya ng ama ng lalawigan, Gobernador Manuel Mamba.

“The ideas of Gob. Mamba are so innovative and they want to learn from him. This should all inspire us not only the Cagayanos but other people,” saad ni PA Villaflor

Ibinahagi rin ni CPIO head, Rogelio Sending Jr. ang kanyang karanasan hinggil sa pagpunta nito sa Bohol at binigyang diin ang kahalagahan ng turismo at ang pagbuo ng international airport na siyang tinututukan ngayon sa programa ni Gob. Mamba na Cagayan International Gateway Project (CIGP) para sa pag-usbong ng ekonomiya ng lalawigan ng Cagayan.

Ang regular flag raising ceremony na pinangunahan ni PA Villaflor ay dinaluhan nina BM Rodrigo De Asis, Consultants, Department/division heads, at mga empleyado ng Kapitolyo ng Cagayan na ginanap sa Capitol grounds.