Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamumuno ni Governor Manuel Mamba ang mga Desktop computer, laptop at printers sa iba’t-ibang PNP units sa probinsiya.

Mismong si Governor Mamba ang namahagi sa mga sets ng computers kung saan tinanggap ng Provincial Investigation and Detection Management Unit (PIDMU) ng Cagayan Police Provincial Office(CPPO) sa pamamagitan ni PMaj Darwin Urani, ang tig- dalawang (2) units ng desktop computer at (2) printer. Nakatanggap rin ng tig-dalawang (2) set ng desktop computer at dalawang (2) printer ang Regional Logistics, Research and Development Division sa pamamagitan naman ni PCpt. Raul Millan ng Police Regional Office (PRO 2).

Nakatanggap rin ang 1st Cagayan Mobile Force Company (CMFC) ng isang (1) unit ng Laptop at printer. Maging ang Sta. Praxedes Police station ay napagkalooban din ng isang laptop, desktop computer at printer.

Lubos naman ang pasasalamat ng bumubuo sa hanay ng kapulisan sa mga gamit na ibinigay ng Gobernador na anila’y higit na makakatulong sa kanilang trabaho upang mabilis ang serbisyo sa mga Cagayano.

Ang PIDMU ay siyang responsableng unit ng PNP sa paghawak at pamentena sa mga datos sa e-projects katulad ng e-Rogue System, e-Warrant,e-Subpoena at Crime Monitoring system. Sa ngayon ay mayroon lamang umanong 11 computers ang nasabing unit kung kayat sila ay nangangailangan ng karagdagang logistics katulad ng ibinigay ng PGC.

Ang PNP-RLRDD 2 ay nangangailangan rin ng mga bagong kagamitan dahil luma , hindi gumagana at outdated na umano ang kanilang gamit para magampanan ang kanilang pangunahing tungkulin.