Nakipagpulong ngayong Martes kay Cagayan Governor Manuel Mamba si Xiangyu Wang, Deputy Secretary-General of the Students and Scholars Association in the Philippines at Chinese People’s Political Consultative Conference (CPPCC) member sa Capitol Main Building, Tuguegarao City, Nobyembre 21, 2023.

Kasama rin sa pagpupulong sina Chuanzhi Li at Chuan He, interpreter at photographer ni Wang at department head ng Kapitolyo na sina Kevin Niño Baclig, Museum Curator, Rolando Calabazaron ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) at Tourism Officer Jennifer Junio-Baquiran.

Partikular na pinag-usapan ang patungkol sa economic development status at development plan ng Cagayan sa mga susunod pang taon. Inilatag naman ni Gob. Mamba ang “CAGANDA 2025” na siyang bibliya sa pag-unlad ng probinsiya.

Sa pagtatanong ng grupo para sa potential areas ng investment, inihayag ni Gob. Mamba ang pagnanais nito sa pagkakaroon rin ng BPO o Business Process Outsourcing at backbone ng Information/Communication sa Tuguegarao City. Marami aniya ang nibersidad sa lungsod at mga nakapagtapos kung kayat maramin rin ang mga edukado at nakapagtapos na maaring pumasok sa BPO Industry.

Ang business process outsourcing ay isang uri ng outsourcing kung saan ang ilang kompanya ay kokontrata ng mga operasyon at responsibilidad ng isang partikular na proseso ng negosyo sa isang third-party na service provider. Isa sa mga halimbawa ng BPO ay ang call center.

Samantala, nagbigay naman ng token ang mga bisita ng Gobernador katulad ng Chinese Lotus Ink Painting Scroll kung saan nangangahulugan umano ang lotus ng “purity, peace, harmony, cooperation, unity, at collaboration” at isang Commemorative Zodiac Calendar Plate 1989 na nagrerepresenta sa pagkilala sa kasaysayan ng ceramic development ng China.