Isinagawa ang 1st Cagayan Information Officers Meeting ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO)-Teleradyo ngayong Huwebes, Nobyembre 23, 2023 sa Go Hotel, Tuguegarao City.

Tinipon ng CPIO-Teleradyo ang iba’t ibang Information Officers (IOs) at Information Officer Designates mula sa iba’t ibang bayan at siyudad ng lalawigan.

Layon ng pagtitipon na ito na magkaroon ng partnership ang Provincial Government of Cagayan (PGC) sa pamamagitan ng CPIO-Teleradyo sa mga IOs lalo na sa pagbibigay ng mahahalagang balita at impormasyon sa komunidad.

Pinangunahan ni Rogelio Sending, Jr., Provincial Information Officer ang kauna-unahang meeting na ito kasama sina Loida Urmatam, Provincial Director ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Cagayan; Board Member Rodrigo de Asis ng 3rd District ng Cagayan; at Mark Djeron, Cagayan Information Center Manager ng Philippine Information Agency (PIA) Region 02.

Nagbigay naman ng mensahe via video sina Governor Manuel N. Mamba; Angely Mercado, Regional Director ng PIA Region 02; at Amir Aquino, Cagayan Valley Information Officers Organization at PAU Unit ng Department of Education (DepEd)Region 02.

Nagtapos naman ang aktibidad sa election ng Cagayan Information Officers Association at nagkaroon ng pagkakataon na bumisita ang mga IOs sa CPIO-Teleradyo studio sa Kapitolyo ng Cagayan.