Si Aldrin Ulep, mula sa bayan ng Baggao ay naging finalist sa Automotive Servicing sa prestihiyosong World Skills Competition na naganap sa bansang Germany kamakailan.

Si Ulep ay dating TESDA Scholar sa Automotive Servicing na nag-uwi na ng maraming parangal sa lalawigan kabilang na ang Gold Medal na kanyang pinanalunan sa 2021 National Skills Competition, kung saan naging delegado siya ng Pilipinas sa Worldskills Shanghai international skills competition.

Nakipagtunggali sa skills competition si Ulep sa 24 na bansa kung saan nagwagi ang 4 na Gold Medalists sa naturang kategorya kabilang ang Taiwan, Italy, Germany, at Switzerland.