Pasok sa ika-apat na puwesto bilang top performing school ang Saint Paul University of the Philippines (SPUP) Tuguegarao matapos makakuha ng passing rate na 98.24% sa katatapos lamang na Nursing Licensure Exam (NLE) 2024.

Maliban dito, nakuha rin ng mga estudyante ng SPUP ang limang puwesto sa National Topnotchers ng nasabing pagsusit.
Pumwesto bilang Top 2 si Jim Jerico Cedric Uy na nakakuha ng 91.80 passing rate; Erica Joy Nortado, Top 6 at nakakuha ng 90.80% rate; Top 9 si Rosita Tanio matapos makakuha ng 90.20% sa pagsusulit; at Top 10 sina Daphne Marl Louise Aquino at Czarina Jose na kapwa nakakuha ng 90.00% sa NLE.