Dalawang Philippine Military Academy (PMA) Cadet mula sa lungsod ng Tuguegarao na kabilang sa Class 2024 ang nagdala ng karangalan.

Kinilala ang masigasig na kadete na sina 1CL Giselle Tong at 1CL Samantha Zinampan.

Nagtapos si 1CL Tong bilang Top 8 Class ng Bagong Sinag o Bagong Henerasyong Gagampanan ang Tama: Serbisyo, Integridad, at Nasyonalismo ang aming Gabayat, nakakuha rin ito ng Mathematics Plaque Award.

Samantala, ginawaran naman ng Department of Tactical Officers Plaque si 1CL Zinampan.