Dalawang Criminology graduate students ang napabilang sa National Topnotchers ng katatapos lamang na February 2024 Licensure Examination for Criminologists.

Pumasok sa Top 3 ang tubong Baggao na si Fernando Vicente Abanto matapos makakuha ng average na 90.35% habang nakapwesto naman sa Top 8 si Leian Kate Cayari Reyes matapos makakuha ng 89.60% sa nasasabing pagsusilit.

Nagmula sa magkaibang kolehiyo at unibersidad ang dalawang Cagayanong Topnotchers.

Si Abanto ay nagmula sa Brgy. Imurung, Baggao, Cagayan kung saan nagtapos ito ng Bachelor of Science in Criminology sa Saint Joseph College.

Kabilang si Abanto sa pioneer batch ng kursong BS Criminology sa nasabing paaralan at kaagad na nakapag-uwi ng karangalan.

Samantala, si Reyes ay tubong Casicallan Sur, Gattaran na nagtapos sa University of Cagayan Valley (UCV).