Sa kalalabas na resulta ng November 2023 Pharmacists Licensure Exam, isang Cagayano ang muling nakapuwesto sa National Topnotchers.

Kinilala ang dalaga na si Krisarah Enriquez, isang tubong Tuguegarao City at nagtapos ng Bachelor of Science in Pharmacy mula sa Saint Paul University Philippines (SPUP).

Nakakuha si Enriquez ng 91.82% passing rate dahilan para pumuwesto ito sa Top 9.