CAGAYANO PRIDE!

Nakapwesto sa Top 6 ng National Topnotchers ang isang Cagayanang mula sa bayan ng Peñablanca sa katatapos lang na 2023 Forester Licensure Examination.

Kinilala ang dalaga na si Christine Jane Mamauag Natividad na nakakuha ng 90.20% passing rate.

Nagtapos ang dalaga bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Forestry mula sa Universidad ng Pilipinas Los Baños.

Si Forester Christine Jane Natividad ay anak ni Engr. Cresencio Natividad ng Internal Audit Unit ng Provincial Government of Cagayan.