“Cagayan Agga Number 1!”

Ito ang sigaw ng mga atletang Cagayano kasabay ng isinagawang send-off ceremomy kahapon, Abril 22, 2024 para sa Cagayan Delegation na lalahok sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) 2024 sa City of Ilagan sa probinsya ng Isabela.

Kaugnay rito, binigyang diin ni Governor Manuel Mamba ang kahalagahan ng disiplina, pagkakaisa, dedikasyon, at pagtutulungan ng mga atletang Cagayano upang muling maiuwi ang pagiging kampeonato para sa probinsya.

Sa naging mensahe ng Gobernador, tiwala siya sa kakayahan ng mga atleta sa kabila ng kanilang ginawang mga pagsasanay at paghahanda upang maiuwi ang ika-11 beses na pagiging overall champion ng Cagayan kasabay ng kanilang pagsabak sa CAVRAA 2024.

“For ten long years, champion ang Cagayan. You cannot afford not to be champion. Alam ko na nag-train kayo ng husto. Alam iyan ng mga coach ninyo, alam iyan ng mga trainor niyo, kaya alam ko na kaya ninyo. And, I know God is with us,” ani Gov Mamba.

Siniguro pa ni Gov. Mamba na ibibigay ng Pamahalaang Panalawigan ng Cagayan ang buong suporta nito sa mga atleta para sa kanilang tagumpay.

Umaasa naman ang Gobernador na pagbubutihin ng mga atletang Cagayano ang kanilang pagsabak sa larong kanilang sasalihan upang masungkit amg gintong medalya para sa karangakan ng ating probinsya.

Hinikayat pa niya ang mga ito na magtiwala sa kanilang kakayahan at sabayan ng pananalig sa Diyos upang magawa ng tama ang kanilang layinin na pagsungkit ng tagumpay para sa bawat Cagayano.

“Kaya kami nag-invest ng husto sa inyo. Ang pakiusap lang ay ibalik ang responsibolidad bilang magaling na atleta, bilang disiplinadong atleta, bilang atletang naniniwala sa Diyos, bilang atletang naniniwala sa otoridad. Be a team player with God as your partner. Because all of the things that you want in life, magiging totoo iyan only if you believe in him. Only if God is with you,” saad pa ni Gov. Mamba.

Aabot naman sa 457 athletes at 105 coaches ang ang nakahandang sumabak sa CAVRAA 2024 sa darating na April 26.

Samantala, dumalo rin sa send-off ceremony sina Provincial Administrator, Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, 3rd District Board Member Rodrigo De Asis, Cagayan Schools Division Superintendent Dr. Reynante Caliguiran, Cagayan Sports Coordinator Edwin Tagal, Consultant on Education Clarita Lunas kasama ang iba pang provincial consultants, at kinatawan ng mga department heads ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.