Nagsimula na ang 16 na evaluators na umikot para tingnan ang entry ng mga nakapasok sa finalist ng Cagayan Resiliency Award 2024 ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ngayong Martes, Hunyo 04, 2024, unang tinungo ng mga evaluator ang Psychological Association Of Cagayan Inc. (PACI) sa lungsod ng Tuguegarao kung saan pasok ang kanilang entry na Project MANGARAG o “Managing Adverties and Nurturing Grit through collaboration Assistance and Responsive Actions on Ground”.

Ipinaliwanag ni Perpetua Tobias, presidente ng PACI kasama si Jona Cambri kung paano nabuo ang “Project Mangarag” na ngayon ay nakatutulong sa publiko lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Pinuntahan rin ng mga evaluator ang Coast Guard Auxiliary District North Eastern Luzon 1203rd squadron at iprinisinta rin ang kanilang mga ginagawang kasanayan kaugnay sa kanilang entry na “Upholding Safety and Service”.

Ang dalawang entries na pinuntahan ng mga evaluator ngayong araw ay pasok sa top 3 ng category 3 na “Best Practice on Disaster Management for CSOs/NGOs/ Private sectors on Preparedness and response”.

Ngayong taon, ang Cagayan resiliency award ay isinama rin ang mga private sector na magpasa ng kanilang entry para maipakita ang kanilang mga ginagawang hakbang para makatulong at maiwasan ang malubhang dulot ng kalamidad sa probinsya.

Samantala, bukas ay muling aarangkada ang mga evaluator upang bisitahin naman ang entry ng Solana at Tuguegarao City na kapwa pasok sa top 3 ng naturang kompetisyon.

#PagguruffunanAggaoNacCagayan

#441stAggaoNacCagayan