iniyak ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kanilang kahandaan para sa pagbabantay ngayong nalalapit na Semana Santa 2024.

Sa naganap na Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ng Regional DRRM Council ngayong Lunes, Marso 18, 2024, inihayag ni Benny Sigua ng Cagayan PDRRMO ang kanilang paghahanda para matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng publiko.

Ayon kay Sigua, mahigpit ang kanilang koordinasyon sa City at Municipal DRRM sa probinsya sa pagmomonitor sa kanilang mga nasasakupang lugar.

Asahan din aniyang i-activate ang Incident Management Team (IMT) maging ang Emergency Operation Center (EOC) katuwang ang walong station ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT) sa oras na itaas ang alert status.

Nakastand-by rin aniya ang mga rescue vehicle ng probinsya lalo na sa mga lugar na posibleng dadagsahin ngayong Semana Santa.

Katuwang din aniya ng kanilang tanggapan sa pagmomonitor at pagbibigay ng paunang lunas kung kinakailangan ang mga district hospital sa probinsya.

Samantala, ayon naman kay Ronald Villa ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2, magtataas ng blue alert status para sa lahat ng miyembro ng RDRRMC sa Marso 22 hanggang 27 at red alert sa 28 hanggang 31 at muling ibabalik sa blue alert sa April 1 hanggang 02.