Kasamang bumisita ng Ambassador ang kanyang maybahay na si Madame Tai Yu Shan Chow, kabilang sina Irene Yao Ling Wang, TECO Secretary; Yuan-Ching Peng, at Manila Economic and Cultural Office (MECO) Vice Chairman Renato L. Ebarle, at Lucy Yap.

Malugod naman ang pagbati ni Kevin Baclig, Museum Curator sa mga bisita at kanyang pinangunahan ang museum tour sa iba’t ibang gallery ng Panlalawigang Museo. Namangha naman ang dignitaries sa mahahalagang koleksiyon ng Cagayan Museum na nagpapakita ng malalim na kasaysayan ng lalawigan.

Bago ang tour sa Cagayan Museum, binisita ni Ambassador Wallace si Governor Manuel Mamba sa Kapitolyo kung saan ay nagpulong ang dalawa kaugnay sa mga potential areas para sa kooperasyon ng TECO at Cagayan sa larangan ng agrikultura, aqua-culture, at turismo. Namasyal din ang grupo sa Callao Caves sa bayan ng Peñablanca bago nagtungo sa Cagayan Museum.

Kabilang naman sa bibistahin ng dignitaries bukas ay ang Cagayan Farm School and Agri-Tourism Center sa Anquiray, Amulung at ang Cagayan Animal Breeding Center and Agri-ecotourism Park sa Zitanga, Ballesteros.