Natunghayan mga estudyante ang malaking pag-unlad ng CPIO-Teleradyo mula noon at sa kasalukuyan.

Ang mga estudyanteng nagsagawa ng tour ay mula sa Agri-Fishery Arts at Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) ng BNHS na kasalukuyang nasa kanilang work immersion sa Cagayan Animal Breeding Center and Agri-eco Tourism Park sa Zitanga, Ballesteros na nagsimula noong Marso-4 na matatapos sa darating na Abril-18. Ang immersion ng mga estudyante ay bahagi ng Senior High School Curriculum na programa ng Kagawaran ng Edukasyon.

Bahagi naman ng kanilang work immersion sa Animal Breeding Center ang pagsasagawa ng educational tour sa mga pasilidad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan upang makita nila ang mga inisyatibong isinusulong sa ilalim ng admistrasyon ni Gov. Manuel Mamba na nakatuon sa pag-unlad ng probinsiya.

Maliban sa CPIO-Teleradyo, pinuntahan din ng grupo ang Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung; ang Nassiping Eco-tourism Park sa Gattaran; ang bagong bihis na main building ng Kapitolyo ng Cagayan; at ang Callao caves sa PeƱablanca, Cagayan.