Nagmula ang mga mag-aaral sa Pacac Grande National High School at Cordova National High School sa bayan ng Amulung at sa Baggao National High School sa bayan ng Baggao, gayon din sa Felipe Tuzon Agricultural School sa bayan ng Camalaniugan.

Tinalakay sa kanilang pagbisita sa studio ang mahalagang mandato ng CPIO-TELERADYO sa pagpaabot ng transparent, tama, at makabuluhang mga balita at impormasyong may kaugnayan sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at iba pang sangay ng gobyerno.

Ipinakita rin sa mga estudyante ang iba’t ibang mga pasilidad at kagamitan na pangunahing ginagamit ng CPIO-TELERADYO sa pagsasahimpapawid sa pamamagitan ng facebook live streaming.