BASIC LIFE SUPPORT-CPR TRAINING, ISINAGAWA NG PHO SA ALLACAPAN, CAGAYAN

Pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang pagsasanay ng Basic Life Support-CPR sa mga frontliner sa bayan ng Allacapan, Cagayan.

Nagsimula ang pagsasanay nitong araw ng Lunes, Nobyembre-13 at natapos ngayong Martes, Nobyembre-14 sa Municipal Function Hall ng nasabing bayan.

Ayon kay Robert Umoso, Nurse IV at Disaster Risk Reduction and Managememt-Health Manager ng PHO, sumailalim sa pagsasanay ang 26 frontliners ng naturang bayan na kinabibilangan na mga kawani ng kanilang Rural Health Unit (RHU), Barangay Health Workers, at mga empleyado ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Dagdag pa ni Umoso, ang isinagawang pagsasanay ay bilang paghahanda sa mga frontliner ng Allacapan sa anumang sakuna na darating sa lalawigan.