Nakipagpulong ang bagong Regional Director ng Department of Health (DOH) Region 02 na si Dr. Razel Nikka Hao kay Governor Manuel Mamba at sa mga chief of hospital sa probinsya ngayong Miyerkules Pebrero 14, 2024 sa conference hall Capitol compound, Tuguegarao City.

Ang bagong RD ay galing sa DOH Central Office at pinangunahan ang mga iba’t ibang departamento bago nailipat sa Rehiyon Dos.

Kaugnay rito, inihayag ni RD Dr. Hao ang suporta sa mga district hospital sa probinsya sa kanilang mga kinakailangan sa mga nasasakupang lugar.

Aniya, tutukan ng kanilang tanggapan ang mga hinaing at titingnan ang mga hospital na kailangan nang i-upgrade.

Inihayag naman ng mga chief of hopistal ang kanilang mga problema tulad ng mga infrastructure project na makatutulong sa mga district hospital.

Sinabi ni RD Hao na gagawin nilang prayoridad ang mga nabanggit ng mga chief of hospital upang agad matugununan ang kanilang mga kinakailangan.

Samantala, malugod namang tinanggap ni Governor Mamba ang bagong RD at nangako na anumang tulong na ibibigay ng kanilang opisina sa probinsya ay gagamitin ito ng maaayos.

Ayon sa ama ng lalawigan, nakahanda ang probinsya na makipagtulungan sa mga plano o hakbang na gagawin ng naturang ahensya para sa ikabubuti ng mga mamamayang Cagayano.

Iniabot naman mismo ni Gov. Mamba ang isang bouquet ng bulaklak sa bagong RD bilang pagbati nito sa Araw ng mga Puso.

Samantala, kasama ni RD Hao na nakipagpulong si DOH-R02 Asst. Regional Director Mar Wynn Bello, Regulation, Licensing and. Enforcement Division Chief Domingo Lavadia, Dr. Guia Comillas, Engr. Victorino Maningas, Provincial Department of Health Office (PDOHO) Cagayan Dr. Grace Delim at mga ibang kawani ng DOH region II. ###