Pinangunahan ng Unang Ginang ng Cagayan na si Atty. Mabel Villarica-Mamba ang pamamahagi ng tulong sa 45 na pamilya na mula sa Agta community sa Barangay Aridowen, Sta. Teresita, Cagayan.

Ang pamamahagi ng tulong kahapon, January -17 ay mula sa Adopt-a-Family Program ng Rural Improvement Club (RIC) Cagayan Chapter kung saan ay Federation President nito si Atty. Villarica-Mamba.

Ang naturang aktibidad ay tinuturing na social responsibility at commitment ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).

Nakatanggap ang mga beneficiary ng grocery items, bigas, pail, sabon at mga damit.

Katuwang ng unang ginang sa pamamahagi si Provincial Agriculturist Pearlita P. Mabasa at ilang opisyal ng Sta. Teresita.