Ang pagbibigay ng insentibo ay nagsimula nang maupo si Governor Manuel Mamba kung saan nasa halagang P3,000, P5,000 at P10,000 ang ibibigay sa mga atletang nag-uwi ng Silver, Bronze at Gold medal. Una na ring tinanggap ni Rhea Mae Roboredo Rosquita, Arnis Player, Best player at 8-time gold medalist ang halagang P80,000 noong Abril-29.

Binigyang-diin naman ni Atty. Mabel Villarica-Mamba bilang kinatawan ni Governor Manuel Mamba na kaakibat ng insentibong matatanggap ang pagpili ng tamang lider. Aniya, wala ang nasabing programa kung mali at korap na opisyal ang nakaupo sa gobyerno. Patunay ito, ani Atty. Villarica-Mamba na hindi naibubulsa ang pondo dahil ito ay naibibigay.

Bukas, ay nakatakdang ipagpatuloy ang pamamahagi ng insentibo sa mga manlalaro sa una at segunda distrito na gaganapin naman sa Bangag, Sub-capitol, Lal-lo, Cagayan.