Isinagawa Provincial Veterinary Office (PVET) sa bayan ng Abulug at Solana, Cagayan ang kick-off ceremony ng Rabies Awareness Month ngayong Martes, Marso 05, 2024.

Naging bahagi ng naturang aktibidad ang Information Education and Communication (IEC) hinggil sa tamang pag-aalaga ng mga alagang aso’t pusa at ang pagiging responsible pet owners gayun din ang pagbabakuna sa mga alagang hayop.

Ayon sa PVET, ang isinagawang IEC sa Abulug National High School ay dinaluhan ng 200 na mga estudyante. Nabakunahan naman ng anti rabies ang nasa 130 na mga alagang aso at pusa ng 71 na mga fur parent sa Baguian, Abulug.

Naging katuwang ng PVET sa nasabing aktibidad ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng naturang bayan.

Isinagawa rin ang kaparehong programa sa barangay Calamagui, Solana kung saan libreng nabakunahan ng kontra rabies ang 252 na mga alagang hayop na pagmamay-ari ng 149 fur parents.

Katuwang naman ng PVET dito ang veterinarian ng LGU Solana, Department of Agriculture (DA), Cagayan State University (CSU) kabilang ang kanilang mga estudyante.

Ang selebrasyon 2024 Rabies Awareness Month ay may temang “Rabies free na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino”.

Samantala, nakatakdang isagawa sa mga darating na araw ngayong Marso ang kaparehong aktibidad ng PVET sa mga bayan ng Claveria, Lal-lo, Sta. Ana, at Baggao, Cagayan.