Ipinakita ng mga kabataan sa Amulung East ang kanilang galing sa pagsusulat, pangangalap ng impormasyon at paglalahad ng balita kasabay ng isinagawang Purok Patrollers Training ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Nahati sa apat na grupo ang mga kalahok at binigyan sila ng 30 minuto para buoin ang naibigay na balita sakanila.
Matapos nito ay pumili ang grupo ng naging anchor, reporter at ang ilan ay ginaya ang ilang scenario na madalas na nangyayari sa mga evacuation center.
Nakita sa mga kabataan ang kanilang saya at pagkasabik sa naibigay na workshop.
Ang Purok Patrollers Training ay binuo ng Provincial Government ng Cagayan sa pamumuno ni Governor Manuel Mamba para may katuwang ang sa pangangalap ng tamang impormasyon lalo na sa panahon ng kalamidad.
Ito na ang pang 24 na bayan na tinungo ng PGC para sa naturang pagsasanay.