Libreng bakuna at kapon ang hatid ng Provincial Health Office (PHO) at Provincial Veterinary Office (PVET) para sa inyong mga alagang aso’t pusa. Isang masayang “Fun Dog Walk” din ang magaganap para sa inyong mga fur-baby sa araw na ito.

Katuwang ang Cagayan Valley-Center for Health and Development ng Department of Health (CV-CHD DOH), ang aktibidad na ito ng PHO at PVET ay bahagi ng Rabies Awareness Month sa buwan ng Marso.

Mag-register sa pamamagitan ng pagtawag o pagt-text sa mga numerong ito: 09058576479/ 09451886499