Inikot ni Gob Mamba ang mga gusali kasama na rito ang Multi-purpose gymnasium at dormitory na kamakailan lamang natapos sa Farm school. Kasunod nito ay inikot rin ng ama ng lalawigan kasama ang mga department head at contractor na si Gerry Bunagan, ang ilang ektarya na paglalagyan ng Obstacle Course and Training Ground sa sub-capitol.