Pinarangalan na ang mga awardees na napili sa Search for Dangal ng Lahing Cagayano 2022 sa bisperas ng ika-439 Aggao Nac Cagayan, kagabi, Hunyo-28, 2022.

Ang Dangal ng Lahing Cagayano Awards ay isa sa espesyal na inihandang aktibidad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa ilalim ng liderato ni Governor Manuel Mamba taun-taon upang kilalanin ang mga “Outstanding Cagayano” na nagbigay kontribusyon sa bansa at sa komunidad dahil sa kanilang serbisyo kaakibat ng kanilang husay at galing.

Sinimulan ang Dangal ng Lahing Cagayano Search noong taong 2017 bilang bahagi din ng pagdiriwang ng selebrasyon ng founding anniversary ng probinsiya ng Cagayan.

Kagabi ginanap sa Cagayan Sports Coliseum, Tuguegarao City ang pormal na parangal sa mga napili mula sa iba’t ibang larangan tulad ng Education, Government Service, Law, Medicine, Science and Technology, Peace and Order, Community Service, Architecture and Culture, Broadcast Journalism at Entrepreneurship.

Ayon kay Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang unang ginang ng lalawigan at Chairperson ng Aggao Nac Cagayan 2022 celebration, na siya ring advocate and proponent ng Dangal ng Lahing Cagayano Search, nararapat lamang aniya na ipakilala, ipagmalaki at ipagsigawan sa buong mundo ang galing, husay at talino ng Cagayano.

“Sa pangunguna ni Governor Mamba, maraming salamat sa lahat nang lumahok, nag-nominate, naging hurado at sumuporta. Patuloy nating pangangalagaan ang Dangal ng Lahing Cagayano,” saad niya.

Maraming Cagayano rin aniya ang may nagagawang katangi-tangi hindi lamang sa probinsiya ng Cagayan kundi maging sa buong bansa at abroad. Nabuo umano ang search at parangal na ito dahil ang serbisyo at pagsisilbi, dedikasyon at katapatan ng mga Cagayano ay nararapat lamang na mai-pagmalaki upang pamarisan ng marami lalo na ang mga susunod na henerasyon.

Ang mga nagawaran ng Gintong Medalya Awardees ngayong taon ay sina:

ATTY. DOMINGO EGON Q. CAYOSA (Law)

CATHERINE C. MENDOZA (Community Service)

DR. ZSA ZSA MAY T. MENESES (Community Service)

ARCH. CONSTANTINE T. RONQUILLO (Architecture and Culture)

MARIA LOUISAPEREZ-NIEVERA (Entrepreneurship)

CHRISTOPHER P. MUSNI (Science and Technology)

MARILYN ESTRADA (Government Service)

MARK ANTHONY G. ARTICULO (Law)

ROGELIO P. MATALANG (Broadcast Journalism)

PMAJ. MARLOU U. DEL CASTILLO (Peace and Order)

Ang mga Gintong Medalya awardees ay masusing pinili ng mga hurado dahil sa kanilang kontribusyon sa kani-kanilang propesyon at larangan.

Samantala, ang nag-iisang Natatanging Cagayano Awardee ngayong taon ay iginawad kay GENERAL EDGAR BATALLA AGLIPAY, ang Chairman Emeritus ng DIWA party list at retired Chief ng Philippine National Police (PNP).

Ang Natatanging Cagayano Award na iginagawad sa mga “Outstanding Cagayano” ay hindi na nagdadaan pa sa mahigpit na pagpili, sapagkat ang mga nakamit, nagawa at kontribusyon niya ay kilala na.

Ang mga naging hurado ngayong taon ng Dangal ng Lahing Cagayano ay sina Dr. Vicente Binasoy Jr. (Retired Professor II), Mr. Hilario Cruz II (Former National VP of JCI Philippines), Garry Galutera (City Councilor of Cauayan City, Isabela), Fr. Ferdinand T. Maguigad (Former Dean of the College of Liberal Arts at Lyceum of Aparri), Dr. Sergio A. Mamba Sr. (President and CEO of Divine Mercy Wellness Center), Dr. Susan Esther N. Perez-Mari (President, University of Cagayan Valley) at si Rev. Fr. Renillo H. Sta. Ana (President, University of Saint Louis).

Binigyan diin naman ni Governor Manuel N. Mamba na ang prestisyosong pagkilala at parangal sa mga awardees ay magsisilbing bayani at inspirasyon sa lahat ng Cagayano sa bansa at sa buong mundo.

“There is no greater legacy but to become an inspiration to the people who may have lost hope.

Hope that will achieve the vision of Cagayan as economic hub of east Asia and the center of agricultural industry in northern Luzon with our international seaport and international airport.

May we always strive for excellence, having strength in every undertaking and never failing to honor our roots while we welcome the other cultures and traditions.

May we never fail to advocate the practice of our own because we are Cagayanos no matter where we are in the world,” pahayag ng Gobernador.

Bukod dito, nakasama din ang mga awardees ng taong 2021 sa parangal na ginanap kagabi.

Sila ay sa larangan naman ng Education, Government Service, Law, Medicine, Science and Technology, Agriculture and Fisheries, Peace and Order, Music, Arts and Culture, at iba pa.

Ang limang (5) Gintong Medalya Awardees at isang (1) Natatanging Cagayano Awardee sa taong 2021 ay sina REV. FR. GILBERT B. SALES (Education), DR. PURA TUMADA-LIBAN (Education), Usec. BENITO TEMPLO DE LEON (Government Service), MC ALLEN REONEL SEBASTIAN S. CACACHO (Science and Technology), at DR. ESTHER SUSAN N. PEREZ-MARI (Medicine).

Nag-iisang Natatanging Cagayano Awardee naman si SECRETARY SILVESTRE “BEBOT” BELLO, ang Kalihim ng Department of Labor and Employment.