Pinangunahan ng unang ginang na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, bilang kinatawan ni Gov.Mamba ang distribusyon ng cash assistance para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda nang nagdaang mga bagyo at baha sa lalawigan.

Nasa 282 benepisyaryo mula sa bayan ng Lasam ang tumanggap ng tig-P1000, habang sa bayan ng Gattaran ay 270 na benepisyaryo naman ang nakatanggap.

Ang nasabing aktibidad ng PGC ay sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).