Matagumpay na isinagawa ang 1st Cagayan Festival of Information na pinangunahan ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) ngayong Miyerkules, Nobyembre 8, 2023 sa Robinsons Place, Tuguegarao City.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng 33rd Library and Information Services Month ngayong Nobyembre. Naging katuwang naman ng CPLRC ang Cagayan Library Consortium (CLC) at CaAKAP Librarians Association, Inc. sa pagsasagawa nito.
Pinangunahan ni Governor Manuel Mamba, Rodrigo de Asis, Board Member ng 3rd District, City Councilor Boyet Ortiz bilang kinatawan ni Tuguegarao City Mayor Maila Rosario Ting-Que, at ni Michael Pinto, Cagayan Provincial Librarian ang naganap na programa. Dinaluhan naman ito ng mga librarian mula sa iba’t ibang paaralan at unibersidad sa Cagayan, ilang mga school principals ng SDO Cagayan, mga miyembro ng CLC at CaAKAP, mga department head at consultant ng Kapitolyo, mga mag-aaral, at mga guro.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gov. Mamba ang halaga ng silid-aklatan bilang imbakan ng kaalaman, kasaysayan, maging ng mga karanasan natin bilang mga Cagayano. Mahalaga aniya na patuloy na itaguyod, pagandahin, at isulong ang mga silid-aklatan para sa mga susunod na henerasyon.
“Libraries are here to stay, that is why we need to professionalize and continue to improve them,“ pahayag ng ama ng lalawigan.
Pinasalamatan din ng Gobernador ang Cagayan Library Consortium na naging bahagi ng aktibidad at nagsisilbing katuwang ng CPLRC sa mga programa nito.
“Let us support the programs of CPLRC and the Provincial Government of Cagayan. Rest assured that PGC will continue to push for a better information and library services,“ pagtatapos ni Gov. Mamba.
Ang mga miyembro ng CLC ay University of Cagayan Valley, University of St. Louis Tuguegarao, Cagayan State University, FLVC, St Josephs College of Baggao, Lyceum of Tuao, Camalaniugan Municipal Library, Baggao Municipal Library, St. Anthonys College of Sta. Ana, Cagayan National High School, at MCNP-ISAP.
Ayon naman kay Pinto patuloy ang pagtataguyod ng CPLRC sa mga aktibidad na tulad nito upang maisakatupakan ang kanilang adhikain na magsilbing tagapangalaga din ng yamang kultural ang silid-aklatan ng lalawigan.
Samantala, nagkaroon naman ng ribbon-cutting sa display ng CLC at iba pang sponsors ng aktibidad matapos ang opening program.
Ilan sa mga naging bahagi ng aktibidad ay ang Cosplay Contest, Reading-in-tandem Contest, Digital Logo Making Contest, at Short Story Writing Contest.
Bago nagtapos ang araw ay namahagi ng awards ang CPLRC sa mga nanalo sa iba’t ibang patimpalak:
Cosplay Contest: Reniela Cristelle Laberinto bilang Ibong Adarna ng St. Anthonys School of Sta. Ana (1st Place), Angel Pascual bilang Queen Ravenna mula sa International School of Asia and the Pacific (2nd Place), at Gwyneth Pasahol bilang (Sisa) ng St. Anthonys School of Sta. Ana (3rd Place).
Teacher-Pupil Reading-in-tandem Contest: Michelle Guillermo at Georgina Palolan ng Paddaya Elementary School sa bayan ng Aparri (1st Place), Evangelin Ragundin at Joana Catral ng Taribubu Integrated School sa bayan ng Tuao (2nd Place), Prince Dave Llaneza at Erianna Macatugal ng University of St. Louis Tuguegarao (3rd Place).
Digital Logo Making Contest: Christian Molina ng International School of Asia and the Pacific (1st Place), Thom Lorenze Alias ng Cagayan State University Carig (2nd Place), at Melbourne Abadilla (3rd Place).
Short Story Writing Contest: 1st Place ang kwento na “Ernie of Greentopia” ni Bethel M. Libar; 2nd Place ang “The Magic Electricity” ni Angelika Mae C. Arao, at 3rd Place ang kwento na “Lectricus and the City of Lights,” ni Vincent R. Baccay.
Nagtapos naman ang aktibidad sa pamamagitan ng isang Zumba exercise na isa mga tampok na aktibidad taon-taon na isinasagawa ng CPLRC sa paggunita ng mahalagang pagdiriwang na ito. Ang lahat ng sumali sa Zumba ay nag-rehistro sa pamamagitan ng pagbibigay ng aklat para sa koleksiyon ng CPLRC.
