Isa na namang bagong school gym ang ipinasakamay ni Governor Manuel Mamba sa bayan ng Amulung na naipatayo sa Bayabat National High School, Senior High. Labis ang pasasalamat ng mga guro at pamunuan ng Bayabat National High School dahil matagal na nila itong hangarin at ngayon ay natupad na.

Lubos naman ang pasasalamat nina Grace Licaycay-Tabaog, School Head; at Schools Division Superintendent Orlando Manuel sa pagpapatayo ng Gobernador sa nasabing gym. Nagkakahalaga ito ng P3,583,010.11 milyon mula sa Special Education Fund 2021.