TINGNAN: Nagsanay ng corn silage making ang 50 magsasaka ng Bunugan Farmers Association ng Baggao, Cagayan. Isinagawa ito sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung na pinangunahan ni Provincial Agriculturist Pearlita P. Mabasa kasama ang mga empleyado ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA). Ang nasabing training ay bilang suporta ni Governor Manuel N. Mamba sa Barangay Development Program na nasa ilalim ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC). Ang corn silage making ay makakatulong sa mga magsasaka na makagawa ng maaaring pagkain ng mga alagang baka, kalabaw at kambing sa panahon ng tag-init at karagdagang negosyo rin ito sa mga farmer.