Pinag-usapan ng mga opisyal ang tungkulin ng ahensiya partikular na sa maritime safety, navigation and security maging sa disaster response, search and rescue operations sa mga coastal areas sa probinsiya.

Mainit naman ang pagtanggap ni Governor Mamba sa mga bisita kung saan kanyang tiniyak ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga programa ng Coast Guard hindi lamang sa maritime safety sa halip ay para sa national development.