Mismong si Jail Senior Inspector, Jail Warden Marlou M. Aquino ang tumanggap sa donasyon. Ang mga ibinigay sa BJMP Tuao District Jail ay mga gamit sa pagpipinta at pagsasaayos sa nasabing piitan. Kabilang dito ang 70 piraso ng long roller brush, baby roller at paint brush, 18 pails at mga gallon ng pintura at thinner.

Layon ng nasabing donasyon na mapaganda and piitan para sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).