Ngayong taon, muling kikilalanin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang mga Cagayano na may bukod tanging kontribusyon sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng taunang Search for Dangal ng Lahing Cagayano.

Muli na namang itatanghal ang taunang pagkilala sa Cagayanong namumukod-tangi ang pagsisilbi sa komunidad, naglilingkod ng walang pag-iimbot, at tunay na nagpamalas ng husay, galing, at sakripisyo.

Dalawang kategorya ng parangal ang igagawad- “Natatanging Cagayano” at “Gintong Medalya.”

Bahagi ito ng Aggao Nac Cagayan celebration ngayong buwan ng Hunyo.

Mag-nominate na ng mga ipinagmamalaking Cagayano para sa prestihiyosong parangal. Atin silang kilalanin, ipagbunyi, at parangalan para sa patuloy na pagbibigay inspirasyon sa sambayanang Cagayano!

Narito ang link ng ating guidelines: https://rb.gy/pjy4x6

Narito naman ang link para sa ating Nomination Form: https://rb.gy/fy7q1b