Iginawad Regional Inspection and Certification Team ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 02 ang Safety Seal sa mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan kahapon, Agosto-13.

Pinangunahan ni DILG Assistant Regional Director Elpidio Durwin ang pagkakaloob ng Safety Seal Certification matapos pumasa sa masusing inspeksyon ang iba’t ibang departamento at tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.

Ang Safety Seal Certification ay nagpapatunay na ang isang tanggapan o establisimiyento ay mahigpit na sumusunod sa minimum public health standards na ipinapatupad ng Inter Agency Task Force on Emerging Infections Diseases.

Ayon kay ARD Durwin, muling isasailalim sa re-inspection ang mga lokal na pamahalaan na nagawaran ng Safety Seal makalipas ang anim (6) na buwan.

Oras na bumagsak sa muling inspeksyon ang isa sa mga tanggapan ay babawiin ang naturang sertipikasyon.

Isinagawa ng RICT ang ebalwasyon sa mga tanggapan sa Kapitolyo sa Capitol Complex at maging sa Provincial Government Center sa Sub-Capitol, Bangag, Lal-lo.