Iginawad ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa 50n benepisyaryo ng Physical Restoration Program ngayong Miyerkules, ika-4 ng Setyembre na ginanap sa LAV Center, Tuguegarao City.
Nabatid kay Resty Vargas, Social Welfare Officer 3 at Program Coordinator ng PSWDO, ang 50 na indibiduwal na benepisyaryo ng nasabing programa ay mga bata at may edad na mula sa iba’t ibang munisipalidad sa probinsiya.
Layon nito na bigyan at tulungan ang mga Cagayano na magkaroon ng mga assistive device partikular ang prosthesis na wala nang gagastusin.
Paliwanag ni Vargas na sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), Local Government Units (LGUs), at Office of the President na nakipag-ugnayan sa Prosthesis and Brace Center (PBC) na siyang gagawa ng mga prosthesis sa mga benepisyaryo.
Sa pamamagitan ng counterparting system sa mga ahensiya ng gobyerno ay nabibigyan na ng libreng prosthesis ang mga humihiling ng mga assistive device.
Maliban sa iginawad ang mga prosthesis sa mga benepisyaryo ay isinagawa rin ang pagsusukat sa mga nangangailangan pang mga indibiduwal at maging ang pamamahagi ng hearing aid sa mga may hearing impairment.
Magugunitang naunang sinukatan ang mga benepisyaryo ng ilang buwan na ang nakalipas bago nagawa at iginawad ang mga ito.
Isinabay rin sa pagsusukat ang isinagawang Gait Training kung saan sinasanay ang mga benepisyaryo ng prosthesis para akma at magkaroon ng tamang sukat sa mga benepisyaryo.
Bakas din ang pasasalamat ng mga benepisyaryo dahilan sa wakas ay mabigyan at malaya na rin silang makakapaglakad.
Mismong si Dr. Fernando Santos ang pinuno ng PBC kasama ang mga machinist at prosthetic technician ang nagtungo sa lalawigan upang personal na suriin at sukatan ang mga benepisyaryo.