Inihayag ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na madadagdagan ng hanggang isang milyong piso ang maibibigay na financial aid sa mga barangay sa buong Cagayan pagdating ng 2022.

Sa kanyang mensahe sa ginanap na Provincial Development Council Meeting, ngayong araw, Oktubre-6, para sa pagbalangkas ng pondo ng probinsiya para sa taong 2022, ibinahagi nito ang ilan sa mga plano ng probinsiya katulad na lamang ng “No Barangay at No Town Left Behind Program” kung saan sinabi niya na hindi na lamang hanggang sa 500K ang ibibigay sa bawat barangay kundi madadagdagan ito ng hanggang isang 1M depende sa dami ng populasyon ng barangay.

Bukod dito ay dadagdagan rin ang pondong ilalaan sa “NTLB” na maaring umabot sa P5M. Aniya kailangan rin umano ang counterpart ng mga LGUs ng karagdagang P5M na gagamitin sa infrastracture projects o pagbili ng mga equipment.

Layon nito na matugunan ng mga barangays ang pangangailangan lalo na sa patuloy na paglaban sa Covid 19.

” We tried to give 500K for each and every barangays in the province which is about 410 million every year, for this year we will try to increase to make it more responsive to the needs of the barangays based on the size of population.”

Kaugnay nito ay muli ring nabanggit ng ama ng lalawigan ang pagbubukas ng mga daan na magdudugtong sa iba’t ibang bayan katulad na lamang ng Iguig-Baggao road, Sto niƱo- Alcala road at ang pag-convert ng mga daan bilang provincial road na kukunekta naman sa ibang probinsya.

Plano rin ng pamahalaang panlalawigan na palalawakin ang mga provincial roads at lalagyan ito ng pedestrian lane lalo na sa mga daan na higit na nangangailangan nito.

Hindi rin mapapabayaan ang mga tulay kung saan inihalimbawa ng punong ehekutibo ang tulay na kokonekta sa bayan ng Aparri at Camalanuigan.

Maging ang pagbubukas ng Port of Aparri kung saan ilang mga investors na ang nagpayahag ng kanilang intensiyon sa pag-develop ng nasabing pantalan

Nakiusap rin ang ama ng lalawigan na hindi dapat pinupulitika ang budget proposal na ipapasa sa Sangguniang Panlalawigan para sa kanilang pag-aaral at pag-apruba.

I wanted to reiterate to everyone that never politicized the budget basically because i know this is the most important piece of legislation of the legislative body.

The most important document, that would prepare the future of our people.It should never be politicized, because this budget is also geared toward responding not only to the future but to the most important problems we are encountering.”