
Nagtipon-tipon ang mga barangay official mula sa 35 barangay ng bayan ng Lal-lo ngayong Lunes, Enero 27, 2025 upang personal na tanggapin ang mga bagong utility vehicle na ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Pinangunahan ni Governor Manuel Mamba ang seremonya ng pamamahagi sa ilalim ng kanyang flagship program na No Barangay Left Behind (NBLB) na kung saan ito ay naglalayong bigyan ang bawa’t barangay ng kinakailangang kagamitan upang mas mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan
Ayon kay Gov. Mamba, ang inisyatibong ito ay bahagi ng kanyang adhikain na mapabuti ang kalagayan ng bawa’t barangay sa Cagayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang kagamitan gaya na lamang ng mga sasakyan upang mailapit ang serbisyo publiko sa bawa’t mamamayan.
Binanggit nito na ang Cagayan ay nangunguna sa Pilipinas pagdating sa ganitong programa na nagpapakita ng dedikasyon ng kanyang administrasyon para sa pantay na pag-unlad ng bawa’t komunidad.
“Haan ko panagpasikat kadakayo uray intero Pilipinas awan mangar-aramid ti ar armidek. Awan agit ited iti grader kadagiti amin nga ili ti Pilipinas a governor. Awan ti governor nga mangibabbaba iti 500,000 every year nga ipa-implement na iti amin barangay ti kwarta, siyak laeng apo iti intero Pilipinas,” ani Gob. Mamba.
Inihayag din nito sa mga opisyal na ang pagbabago ay nagsisimula sa barangay at ang mga proyekto tulad ng pamamahagi ng mga utility vehicles ay bahagi ng kanyang adbokasiya na maghatid ng serbisyong tapat at pantay-pantay sa bawa’t komunidad.
Bilang isa sa mga matibay na tagapagsulong ng “good governance” sa Cagayan, hinikayat ni Gov. Mamba ang mga opisyal ng barangay na maging ehemplo ng malinis na pamamahala at iwasan ang mga gawaing makasisira sa tiwala ng mamamayan.
“Ti ammo ti dadduma adda presyo tayo am-amin, nagbassit ti panag kitkita da amin kada tayo. Ikkan tayo ti presyo ti bagbagi tayo apo. Bigyan natin ng halaga ang sarili natin, hindi pera-pera ito maawa tayo sa ating bansa. Awan pagbalinan ti bansa tayo, grabe ti korapsyon ditoy Pilipinas,”
Samantala, kinilala rin ni 1st District Board Member Oliver Pascual na siyang kinatawan ni Lal-lo Mayor Florante “Anteng” Pascual ang dedikasyon ni Gob. Mamba Mamba para sa mga barangay. Aniya, ang inisyatibong ito ay isang patunay ng malasakit ng Ama ng lalawigan sa mga Cagayano.
“Tatta nga aldaw ket awaten yu ti 35 nga multipurpose utility vehicles nga maited dagiti amin a barangays. Daytoy apo ti pakakitaan iti panagayat ni Governor Manny iti amin a barangays ta inlaban na ta kayat na nga amin nga barangay ket maaddaan iti lugan. Ammo yu apo nu haan nak mariro ket Cagayan laeng iti makaaramid iti kastoy nga amin barangay ket sapasap nga ikkan iti Provincial Government. Dayta apo iti pakakitaan tayo iti serbisyo iti maysa nga Governor Manny Mamba,” bahagi ng mensahe ni BM Pascual.
Simula naman nang umarangkada ang programa noong Disyembre, umabot na sa mahigit 200 na utility vehicles ang naipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa iba’t ibang barangay sa lalawigan.
Patuloy naman ang pamamahagi ng mga sasakyan sa mga natitirang barangay sa mga susunod na araw bilang bahagi ng layunin ng ni Gov. Mamba na mapaunlad ang buong probinsiya.
Katuwang ni Gob. Mamba sa turn-over ceremony ang Unang Ginang ng Cagayan Atty. Mabel Villarica-Mamba, 1st District Board Member Atty. Romeo Garcia, 1st District Board Member Oliver Pascual, Ex-Officio Board Member Rey Jirowell Alameda, Francisco “Franco” Mamba III, Engr. Pearlita Mabasa, Farm School Administrator and Overseas of Agriculture Programs & Projects ng Provincial Government of Cagayan, Department Heads, mga consultant ng Kapitolyo ng Cagayan, mga kawani mula Provincial Treasury Office, at Provincial Office for People Empowerment (POPE).
Dumalo rin ang mga bisita na sina dating Baggao Mayor Joan Dunuan at si Atty. Redentor Sac.