Namahagi muli ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng educational assistance sa mahigit 1,600 Purok Agkaykaysa Scholars ng Kapitolyo ng Cagayan para sa 2nd Semester ng School Year 2023-2024 na isinagawa sa bayan ng Sanchez Mira, ngayong Miyerkules, Hulyo 24, 2024.

Ang mga estudyanteng tumanggap ng scholarship grant ay nagmula sa bayan ng Sta. Praxedes, Claveria, Pamplona, Sanchez Mira, Abulug, at Calayan, kung saan nakatanggap ang mga ito ng tig-P3,500 bawat isa.

Pinangunahan naman ni Francisco “Franco” Mamba III bilang kinatawan ni Gov. Manuel Mamba ang distribusyon katuwang ang Provincial Treasury, Provincial Office for People Empowerment (POPE), at mga opisyal ng mga nasabing bayan.

Dumalo naman sa naturang aktibidad sina sina Ret. General Edgar “Manong Egay” Aglipay, PTF-ELCAC Point Person Anatacio Macalan, at mga consultant ng PGC.

Ang nagpapatuloy na pamamahagi ng scholarship grant ay taunang programa sa ilalim ng No Barangay Left Behind (NBLB) ng Kapitolyo ng Cagayab na inisyatiba ni Governor Manuel Mamba upang matulungan ang mga Cagayanong mag-aaral.

Matatandaang unang umarangkada ang distribusyon ng scholarship grant ng mga Agkaykaysa Scholar para sa S.Y 2023-2024 sa Cagayan State University-Piat Campus nitong Hulyo 16, 2024.

Samanatala, sa Hulyo 30, 2024 ay nakatakda namang ipamamahagi rin ang kahalintulad na educational assistance sa mahigit 2,700 na iskolars mula sa mga bayan ng Baggao, Iguig, Enrile, Tuguegarao, PeƱablanca, at Alcala na isasagawa sa Lungsod ng Tuguegarao.