Patuloy ang paghimok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanan na magpabakuna kontra Covid-19 dahil inaasahan pa ang pagdating ng mga bakuna na aabot sa 100 milyon doses nitong darating na Oktubre.

“I now encourage you- those who have yet to receive vaccines to get inoculated,” sambit ng Pangulo sa kanyang Talk to the Nation address.Inihayag din ng Pangulo na maaaring palawigin ng pamahalaan ang pagbabakuna sa publiko, kasama na din ang mga bata ngayong Oktubre.

Sa ngayon, mayroon ng 69,699,340 doses ng Covid-19 mula sa iba’t ibang vaccine manufacturers.Sinabi ng Pangulo na target ng gobyerno na magbakuna ng 55 milyon doses sa katapusan ng buwan ng Oktubre.

“I am pleased to report that over the past several days, the number of new Covid-19 cases have been declining and the reproduction rate has also been decreasing. Maybe the last two days, there was a light spike, but overall, all over the entire country–it is decreasing,” ayon pa sa Pangulo.

Sinambit din ng Punong Ehekutibo ang ilang mga developments ng pamahalaan sa pagsugpo sa Covid-19.”I do not want to advance this theory. But under the police power of the State, everybody can be compelled to be vaccinated,” he said.May kabuuan ng 43,933,886 doses ng bakuna ang nai-administer na sa buong bansa kung saan 23,626,764 doses ang naipamahagi bilang unang shots.

May 20,307,122 namang Pilipino o 26% ng eligible na populasyon ng bansa ang fully vaccinated na simula Setyembre-26.