“PERFECT WAVE NG ADVENTURE BROTHERS OF CALLAO AND SIERRA,” TINANGHAL BILANG THE BEST SHORT FILM

Nag-uumapaw ang tuwa at galak ng Cagayano film makers sa kauna-unahang Tourisinema de Cagayan na ginanap sa Robinson’s Movieworld sa Robinson’s Place Tuguegarao City, ngayong araw, Hunyo-29, 2022, sa mismong selebrasyon ng 439th Aggao Nac Cagayan, ang pista ng founding anniversary ng lalawigan.

Mula sa “Endless Fun Cagayan” na brand destination na naglalayong isulong ang probinsiya ng Cagayan bilang isa sa mga Top Filming Destinations sa bansa at tema ng mga short films, ay lumikha ng orihinal at kanya-kanyang hugot at istorya ang mga film makers.

Sa 10 finalists, nagwagi at tinanghal bilang Best Short Film ang “Perfect Wave” ni Direk Alain Bayona ng Adventure Brothers of Callao and Sierra mula Tuguegarao City. Bukod sa plaque ay nag-uwi din ng P60,000 cash prize ang grupo.

Nasungkit naman ng Kulibangbang of Revolution Production ang 2nd Best Short Film at cash prize na P50,000 cash, at 3rd Best Short Film naman ang Cagayan and Beyond ng Bloggers of Tuguegarao na nag-uwi din ng P40,000 cash prize.

Ayon kay Direk Bayona ng Perfect Wave, nais umano talaga ng grupo na maging film capital ang Cagayan.

Nais umanong i-promote ng grupo ang maraming travel destinations sa probinsiya at marami pang mga liblib na lugar na kailangan matuklasan.

Naging katuwang naman ni Bayona ang kanyang 9-year old na anak na si Zyb Bayona sa pagbuo ng kanilang “Endless Fun Cagayan” short film.

Samantala, binati naman ni Atty. Mabel Villarica- Mamba, Chairperson ng Aggao Nac Cagayan 2022 ang lahat ng mga kalahok dahil sa aniya’y iminulat ng mga ito ang mga Cagayano na marami pang kagalingan at kagandahan na maipakita ang Cagayan.

Kasunod ng pagbati ng unang ginang, ay ang pagkamangha naman ng ama ng lalawigan na si Governor Manuel Mamba. Hindi aniya lubos akalain na may magaganap na film fest sa Aggao Nac Cagayan celebration at kayang-kaya ng mga Cagayano ang bumuo ng isang pelikula.

Kasabay nito ang pangako ng Gobernador sa mga film makers na kanyang ilalagay ang pangalan ng probinsiya sa mapa ng mundo at makikilala hindi na lamang sa Pilipinas.

“I’m also glad that Cagayan could do this. I was so surprised na makagawa tayo ng contest like this.

I would like to thank Mrs. Mamba (Atty. Mabel) to come up with this. So nice na we could fictionalize this, I want all of us to be proud of our heritage and of our past. Kung kailangan natin mapaganda at mapaunlad at mailagay natin sa mundo ang mapa ng Cagayan.

I promised you the connection we have to undertake, but promise me also that you will do your real promise to the world and to Cagayan,” saad ni Gob. Mamba.

Kaugnay nito inihayag naman ng mga nagsipawagi sa film contest ang kanilang pasasalamat sa Provincial Government of Cagayan, lalung-lalo na kay Governor Mamba, Atty. Mabel Mamba, at Cagayan Tourism Office sa pangunguna ni Jennifer Junio-Baquiran, dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanila na mga filmakers at maging bahahi ng Aggao Nac Cagayan Celebration.

Ang mga finalists ay nabigyan nman ng tig-P25,000 consolation prizes. Habang tig-P5,000 naman sa mga minor awards katulad ng mga sumusunod:

Best in Musical Scoring- Kulibangbang of Revolution Production;

Best in Cinematography-Kulibangbang;

Best in Editing-Cagayan and Beyond, Bloggers of Tuguegarao;

Best in Story-Perfect Wave, Adventures of Brothers of Callao and Sierra;

Best Actor-Russel Jared De Leon, Lost in Cagayan; Best Actress-Donna Bariuan, Paguroray; Best Director- Peejay Cabanos,Cagayan and Beyond at PGC Choice Award-Where you are, Kolab Studios at mga finalists na kinabibilangan ng Teleport, written and directed by Fatima Joy Baculit; Lost in Cagayan, Directed by Rusell Jared deLeon; Paguroray by Rhein Onza; Lagusan directed by Zaldy Calizo; Where you are, Directed by Mark Edward Quizzagan; Dolls and Needles, directed by Carlvon Benigno Aquino; at Finding my Endless ng CSU Actions.