Simbolo ng hitik na ganda at yaman ng Cagayan. Ganito ilarawan ang Island Pavilion booth ng Cagayan sa Philippine Travel Mart na kasalukuyang isinasagawa sa SMX Convention Center, Pasay City.
Sa unang pagkakataon, isang 36 square meter na booth ang pinili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan upang itampok ang best offerings sa larangan ng turismo sa probinsiya. Sa pangunguna ng Provincial Tourism Office, naisakatuparan ang napakagandang disenyo ng booth, kung saan nagpapakita ito ng iba’t ibang tourism products at services ng lalawigan.
Ayon kay Jenifer Junio-Baquiran, Provincial Tourism Officer, pinaghandaan ang pagsali ng PGC ngayong taon sa Phil. Travel Mart sa malaking suporta ni Governor Manuel Mamba at pinaghandaan ang paggawa ng booth na disenyo ni Architect Reybert Quirolgico, ang Tourism Officer ng bayan ng Ballesteros.
Sambit niya na sa “Endless Fun, Cagayan” branding ng probinsiya, nagpapakita na handa na ang Cagayan sa pagbubukas nito sa buong bansa at maging sa international market sa larangan ng turismo. Bunsod ito aniya ng mga inisyatibo ni Gov. Mamba sa pagsasakatuparan ng maraming tourism projects sa Cagayan.
Dahil dito, ang naging main structural inspiration ni Arch. Quirolgico sa booth ay ang Cagayan Welcome Arch na nagpapakita na handa na ang lalawigan sa pagtanggap ng mga turista upang ma-experience ang “endless fun.”
“The best word to describe our booth is “Madduló” which means “Welcome” as we open all types of tourists to our province because our province has all types of fun experiences, be it adventure, food, faith, heritage, arts, music, eco-tourism, farm tourism and many more. We welcome all kinds of tourists,” aniya.
Makikita naman sa booth ang iba’t ibang tourism sites at destinations ng Cagayan, mga pagkain at produkto ng bawat bayan, at mga arts and crafts.
Samantala, ayon pa rin kay Arch. Quirolgico, ang patterns na nagpatingkad sa Cagayan booth ay ang Sarakat weaving of Sta. Praxedes, ang Solihiya Patterns na nagpapakita ng traditional wood work at furniture industry ng Cagayan, at ang bahay kubo na may Quatro Aguas rooftype kung saan ginamitan ng “labig” isang endemic na palmera sa lalawigan, lalo sa Northwest Cagayan na madalas gamitin bilang isang natural na material para sa bubong. Ang paggamit ng Kamagong ay nagpapakita naman ng yaman ng kagubatan ng Cagayan. Sa Cagayan Welcome Arch naman makikita ang kawayan at tobacco na parang kahawig ng mountain ranges ng Sierra Madre, at ang carabao horn na sumisimbolo sa yaman ng probinsiya sa agrikultura at ang mga masisipag na Cagayano.
“Materials like the Sarakat mats of Sta. Praxedes, labig roof, and furniture sets are all sourced or either made from the province. All the accents used, regardless of material all connect to Cagayan’s identity, like the rosal pendant lights highlighting the Provincial flower. The Sawi bird standee and palm tree also show the province as one of the biggest contributors in coconut supply,” dagdag naman ni Arch. Quirolgico.
Kahapon ay pinangunahan ni Atty. Mabel Villarica-Mamba, Unang Ginang ng Cagayan at kinatawan ni Governor Manuel Mamba, kasama si EnP. Jenifer Junio-Baquiran, Provincial Tourism Officer; Troy Alexander Miano, DOT Region 02 Regional Director, mga opisyal at kinatawan ng LGU at Tourism Officers ng iba’t ibang bayan, travel agents, at Provincial Tourism Office staff ang opening day ng Phil. Travel Mart.
Iba’t bang pakulo at gimik ang patuloy na matutunghayan dito kabilang ang food-tasting at pagtatampok ng local artisans ng lalawigan tulad ng mga weavers ng Sarakat mula sa bayan ng Sta. Praxedes, ang pagtatanghal ng harpists mula sa bayan ng Ballesteros, at ang dancers ng Gonzaga National High School na nanalo kamakailan sa “Bayle sa Kalye”. (Mia Baquiran)