Pinasinayaan at binasbasan ang bagong Visitors Pavilion ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa Kapitolyo ngayong araw, Setyembre-2.

Mismong si Governor Manuel N. Mamba ang nanguna sa aktibidad kasama si Col. Darwin Sacramed, Provincial Administrator; Maria Rosario Mamba-Villaflor, Chief of Staff, mga consultants, department heads at ilang mga empleyado ng PGC sa pangunguna ng Provincial Tourism Office.

Ang bagong Visitors Pavilion sa loob ng Kapitolyo ay isa lamang sa mga pasilidad na naitayo sa iba’t ibang tourism sites ng PGC. Kamakailan ay binuksan din ang bagong Visitors Pavilion sa Cagayan Animal Breeding Center and Agri-tourism Park sa Zitanga, Ballesteros.

Ang pagpapasinaya ng Visitors Pavilion ngayong araw ay kasabay ng pagdiriwang ng World Tourism Day. Kasabay din nito, isinagawa din ng Provincial Tourism Office and soft launching ng tourism coffee table book ng Cagayan.

Sambit ni Jenifer Junio-Baquiran, Provincial Tourism Office ang aktibidad na ito ay sabay-sabay na isinagawa sa iba’t ibang bayan ng lalawigan, kung saan nagkaroon din ng unveiling ng ilang mga litrato ng mga tourism sites and products ng mga LGUs na makikita sa coffee table book.

Samantala, makikita naman ang display ng mga local products ng lalawigan sa bagong Visitors Pavilion sa Kapitolyo. Mayroon itong malinis at maayos na comfort rooms, information booth, at parking areas.