Pinag-usapan nina Atty. Mabel Mamba at Chairwoman Hu Jingbo ang mahalagang papel ng hanay ng kababaihan sa lipunan at ang kahalagahan ng karapatan ng mga ito sa nation building.

Mahalagang bahagi din ng pagpupulong ang pagpapa-igting sa ugnayan ng mabuting pagkakaibigan sa pagitan ng mga lider-kababaihan ng Cagayan at Guangxi Women’s Federation.

Ang 35-delagasyon ng RIC Cagayan at ilang opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan ay nasa Guangxi Province mula Hulyo 19 hanggang 24 para pag-aralan ang papel ng kababaihan para maiangat ang pamumuhay ng mga kababaihan sa kanayunan.

Sinagot ang Guangxi Women’s Federation ang lahat ng gastusin ng delegasyon.