Sumailalim ang nasa labindalawang mga kawani ng Provincial Health Office (PHO)-Cagayan sa limang araw na Basic Life Support (BLS) at Standard First Aid (SFA) Training with Simulation Exercise na isinagawa sa bayan ng Gonzaga Cagayan.
Layon ng aktibidad na mabigyan pa ng sapat at wastong kasanayan at kaalaman ang mga kalahok sa pagresponde sa pahanon ng sakuna at kalamidad.
Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng anim na program coordinators at anim na nurses mula sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital.
Pinangunahan naman ni Robert Umoso, DRRM-H Manager, kasama ang dalawang nurses na sina Alain Peter Tumanguil at Heribert Umbay ang naturang aktibidad.
Isa sa mga tampok na bahagi ng pagsasanay ay ang pagkakaroon ng Simulation Exercises, kung saan nagsagawa ng rescue operations ang mga kalahok sa mga kunwaring biktima ng vehicular accident at tsunami-alert.
Pinasalamatan naman ni Dr. Rebecca Battung, Provincial Health Officer ang aktibong partisipasyon ng mga ito sa BLS at SFA Training.
Maliban sa training, nagkaroon din ng Program Implementation Review at tinalakay rito ang “strengths and weaknesses” at mga iba’t ibang hamon na kinakaharap ng kanilang departamento, ito ay dinaluhan ng iba’t ibang tanggapan mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), General Services Office (GSO), Accounting, at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Nagtapos ang aktibidad sa pamamagitan ng Table Top Exercise kung saan dito binuo ang Quad Cluster, isang parte ng Health Emergency Respose Team na pinangunahan ng Department of Health- Health Emergency Management System (DOH-HEMS), layon nito na makapaghanda sa pagsasagawa ng Pre-During-Post preparation/intervention para sa mga hindi inaasahang sakuna na posibleng maranasan sa probinsiya.