Bilang bahagi ng National Blood Donors Month ngayong buwan ng Hulyo ay binigyan ng pagkilala at cash prizes ang apat (4) na empleyado at top five (5) Departments ng Provincial Government of Cagayan (PGC) na isinagawa sa flag-raising ceremony sa Kapitolyo kahapon, July 04, 2022.

Pinangunahan ni Cagayan Governor Manuel N. Mamba, 3rd District Board Member Rodrigo De Asis, 1st District Board Member Romeo Garcia, at ang pamunuan ng Provincial Health Office (PHO) ang pagbigay ng pagkilala at cash prizes.

Sa pamamagitan rin ng PHO, ang mga outstanding blood donors ng PGC ay nabigyan din ng certificates of recognition at grocery packs. Kinabibilangan ito nina Maphilinda Antonio at Johanne Delos Trinos ng PHO, at sa PNREO ay sina Marlo Allam at Dennis Payba. Sila ay diretsong nakapag-donate ng dugo sa tatlong beses na bloodletting activities ng PHO simula pa noong taong 2021.

Bukod dito ay nabigyan rin ng premyo ang top 5 departments ng PGC kung saan ay tumanggap ng cash prizes dahil rin sa patuloy na pagsuporta sa blood services program. Nanguna dito ang PHO na mayroong P15,000, sumunod ang PNREO na nakatanggap ng P10,000 at 3rd place ang PEO na nakatanggap ng P5,000. Habang ang Provincial Tourism at Provincial Planning and Development Office ay tig-P3,000. Nabigyan naman ng certificate at tarpaulin ang Provincial Treasury Office sa 6th place at ang SPAI sa 7th place dahil sa tuluy-tuloy rin nilang suporta sa programa.

Ayon kay Malou Bangan, Health Education and Promotion Officer at Provincial Voluntary Blood Services Program Assistant Coordinator ng PHO na mabibigyan rin ng certificate of recognition ang iba pang blood donors na may dalawang beses na naka-pagdonate rin ng dugo sa bloodletting activity ng PHO.