Sa kasalukuyan, ang SDO Cagayan team ay naka-quarter sa Naguillan-Baculud Elementary School at Ilagan West National High School sa Ilagan, Isabela.

Bukas, araw ng Linggo, ay magkakaroon ng pagpupulong ang mga coaches, officiating officials at CAVRAA sports committee sa Ilagan Sports Complex mula sa iba’t-ibang School’s Division ng Department of Education Region 02 sa limang lalawigan sa lambak Cagayan.