TINGNAN|Groundbreaking ceremony ng gagawing Barangay Access Road sa Brgy. Centro II sa Isla ng Calayan kahapon, Abril 21 ang pinangunahan ni Mayor Joseph ‘Jong’ Llopis, LGU Calayan, at ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

May haba na 143 metro ang nasabing kalsada kung saan ang P606,481.71 ay nagmula sa World Bank sa pamamagitan ng DSWD sa kanilang programang Kalahi‐ CIDSS o Kapit‐Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services, habang P1 milyon naman dito ay nanggaling sa “No Town Left Behind” fund na ibinaba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa isla ng Calayan bilang counterpart ng LGU.

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Llopis at Centro II Brgy. Captain Romel Remolacio dahil kahit ito umano ang maituturing na pinakamaliit na barangay sa isla ay nabigyan ng pansin pa rin ng pamahalaan. Anila, tanging ang bahaging ito na lamang hindi kongkreto ang kalsada sa buong mainland Calayan.