![](https://www.cagayan.gov.ph/wp-content/uploads/2024/12/image-1024x1024.png)
Hinikayat ni Gob. Manuel Mamba ang mga Punong Barangay sa Lalawigan ng Cagayan na magkaroon at magpatupad ng polisiya kaugnay sa paggamit ng matatanggap na service utility vehicle mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Ayon sa Gobernador, responsibilidad at pananagutan na ng mga tatanggap ang nasabing sasakyan kaya’t nararapat lamang aniya na magamit ito ng tama.
Aniya, sa pamamagitan ng polisya ay magkaroon ng panuntunan kung paano at kailan ito gagamitin. Masisiguro rin aniya na hindi magagamit ito sa personal ng mga barangay official.
“So ito po, gawan niyo po ng policy on the use of your vehicle, para mayroon kayong dahilan para tumanggi doon sa mga mang-aabuso sa inyo. Pero ‘yan po ay para sa inyo. Hindi ho pang personal ni Kapitan, ni Kagawad, ganoon po. Let us be decent to our people so that they will also be decent on how to deal with us. Ganoon po ito, reciprocity po ito,” ani Gob. Mamba.
Kaugnay rito, hinikayat ni Gob. Mamba ang mga barangay na i-liquidate ang mga ibinababang pondo bilang pagtalima sa Commission on Audit (COA) rules upang maibaba at magamit ang pondo.
Matatandaan na P672,400,000 milyon ang halaga ng mga sasakyan na ibinili galing sa pondo ng “No Barangay Left Behind” program na hindi nakuha ng mga barangay na hindi nakapag-liquidate.
Sa kasalukuyan ay natanggap na ng 32 na barangay sa bayan ng Tuao ang service vehicle at susunod na dito ang 49 na barangay ng Tuguegarao.