Tampok ngayon sa Philippine Travel Mart ang “Endless Fun, Cagayan!” branding ng lalawigan na nagpapakita ng walang humpay na saya at tourism experience sa probinsiya gayon din ang pagbibida ng iba’t ibang tourism offerings ng probinsya.
Pinangunahan ni Atty. Mabel Villarica-Mamba, Unang Ginang ng Cagayan at kinatawan ni Governor Manuel Mamba, kasama si EnP. Jenifer Junio-Baquiran, Provincial Tourism Officer; Troy Alexander Miano, DOT Region 02 Regional Director, mga opisyal at kinatawan ng LGU at Tourism Officers ng iba’t ibang bayan, travel agents, at Provincial Tourism Office staff ang opening day ng Phil. Travel Mart ngayong araw Setyembre 9, 2024 sa SMX Convention Center, Pasay City.
Sa unang araw ay dinagsa na ang Cagayan booth kung saan iba’t ibang produkto ng mga bayan ng lalawigan ang naka-display dito. Tampok din ang mga ipinagmamalaking tourist destinations sa Cagayan, kung saan highlight dito ang Tourism Circuits-Across Sunsets (Northwest Cagayan), Bastion of Faith (Tuao, Rizal, Piat), Sta. Ana: Your Adventure Paradise, at Zinninaga Nat Tuguegarao.
Bida naman ang 36 square-meter booth ng lalawigan ngayong taon na pinaghandaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na dinisenyo ni Architect Reybert Quirolgico, ang Tourism Officer ng Ballesteros.
Ayon kay Junio-Baquiran, tunay ngang “endless fun” ang handog ngayong taon ng Cagayan sa Phil. Travel Mart. Aniya, pinaghandaan ng PGC ang pagsali ngayon sa nasabing prestihiyosong tourism exhibition.
Sambit niya na dahil sa suporta ni Gov. Mamba sa pagpapalago ng turismo sa Cagayan ay handang-handa na ang probinsiya na makipagsabayan sa national, maging sa international tourism. Aniya, isa sa mga naging prayoridad ng ama ng lalawigan ay ang pagtataguyod ng tourism industry sa Cagayan at patuloy na binibigyan ng atensiyon ng Gobernador dahil alam niya ang malaking potensiyal nito sa pagpapalago ng ating ekonomiya at sa pagbubukas sa international trade.
“May branding na tayo at marketing for promotions ng Cagayan. Handa na tayo at sa pamamagitan ng booth natin sa Phil. Travel Mart, maipapakita natin ang ganda at galing ng Cagayan. Nagpapasalamat ako kay Governor Mamba at maging sa mga Mayors natin. Nakita nila ang halaga ng turismo at patuloy ang buhos ng kanilang suporta,” dagdag ni Junio-Baquiran.
Samantala, Pinasyalan naman ni DOT Secretary Maria Esperanza Christina Garcia Frasco ang Cagayan booth sa pagbubukas ng aktibidad.
Samantala, magkakaroon ng mga libreng patikim ng mga local products sa tatlong araw sa Phil Travel Mart. Bawat araw ay ibibida ang iba’t ibang bayan sa Cagayan.
Aabangan ngayong araw, September 6 ang mga bayan ng Baggao, Ballesteros, Buguey, Piat, Lal-lo, Tuao, Enrile, Sanchez Mira, Sta. Praxedes, Alcala, at Calayan; September 7 naman ang Abulug, Aparri, Claveria, Lasam, Pamplona, Penablanca at Rizal; September 8 ang Gonzaga, Tuguegarao City, Allacapan, Gattaran, Amulung, Camalaniugan, Iguig, at Sta. Ana.
Ngayong araw ay may demonstration ng pawa cooking, ang sikat na produkto ng bayan ng Piat. Araw-araw na may gimik at pakulo sa Cagayan booth kabilang dito ang pagtatampok ng local artisans ng lalawigan tulad ng mga weavers ng Sarakat mula sa bayan ng Sta. Praxedes, ang pagtatanghal ng harpists mula sa bayan ng Ballesteros, at ang dancers ng Gonzaga National High School na nanalo kamakailan sa “Bayle sa Kalye”.
Kasama din na magbibigay kulay sa Travel Mart sina Aaron Pablo mula Baggao (Mr. Universe Philippines Candidate) and Jamyla Dumlao mula Tuao (Miss World Philippines Candidate).
Pinasyalan din ni DOT Secretary Maria Esperanza Christina Garcia Frasco ang Cagayan booth sa pagbubukas ng aktibidad.
Ang Phil. Travel Mart ay ang longest-running travel trade exhibition sa bansa na inorganisa ng Philippine Tour Operators Association kung saan nagtitipon ang lahat ng rehiyon, probinsiya, tour operators, at mga tourism stakeholder. (Mia Baquiran)