Itinanghal na grand winner ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao sa 2nd Cagayan Resiliency Award 2024 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamumuno ni Governor Manuel Mamba.
Sa ginanap na awarding ceremony kahapon, araw ng Lunes, Setyembre 23, 2024 sa Go Hotel, Tuguegarao City na pinangunahan ni Rueli Rapsing, Officer-in-Charge ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) bilang kinatawan ni Gov. Mamba, tatanggapin ng lungsod ng Tuguegarao ang isang rubber boat na nagkakahalaga ng isang milyong piso at 30-unit ng modular tents.
Ang ipinakita at ipinasang entry ng CDRRMO sa 2nd Cagayan Resiliency Award ay ang kanilang “NAVIGATING URBAN OPERATION” kung saan kanilang ipinakita ang kanilang command center na ginagamit para mas mapabilis ang kanilang pagresponde sa panahon ng kalamidad at sakuna sa lungsod na nagdala para makuha ang nasabing parangal.
Narito naman ang iba pang mga nagsipagwagi sa tatlong kategorya ng kompetisyon:
Category 1: Best Practices for LGU’s on Disaster Management for Natural Hazarda
Winner: LGU Sta Praxedes
2nd runner up- LGU Lal-lo
3rd runner up- LGU Solana
Category 2: Best Practices for LGU’s on Disaster Management for Human-Induced Hazards
Winner: Tuguegarao City
2nd runner up- LGU Lal-lo
3rd runner up LGU Gonzaga
Category 3: Best Practices for CSO/NGA/Private Sector on Disaster Management for Management for Disaster Preparedness and Response
Winner: Psychological Association of Cagayan Incorporated
2nd ruuner up- Kaakibat Civicom Communicators International Incorporated
3rd runner up- Philippe Coast Guard Auxilliary (PCGA)1203rd squadron
Ang mga grupo o ahensiya na nagwagi sa bawa’t kategorya ay mag-uuwi ng P80,000, sa mga second runner up ay P40,000 at P30,000 para naman sa mga 3rd runner up at tig-sampung modular tents habang nabigyan naman ng modular tents ang lahat ng mga MDRRMO na dumalo at nakiisa sa naturang aktibidad.
Kaugnay rito, ipinaaabot ni Rapsing ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga LGU at mga pribadong sektor na nagpakita ng pakikipagtulungan para mapagtagumpayan ang nasabing aktibidad.
Aniya, lahat ng mga ipinakitang “practices” na ginagawa ng mga bawat organisasyon ay malaking tulong upang maibsan ang epekto ng kalamidad sa mga nasasakupang lugar.
“We should be concentrating on mitigation and prevention, not on preparedness, we should reserve that at the worst time; all the best practices, ang objective nito ay to bring the best from our Local Government Unit,” saad ni Rapsing
Samantala, personal namang dumalo sa naturang parangal si Mayor Esterlina Aguinaldo ng Sta Praxedes, Vice Mayor Oliver Pascual, Regional Director Socrates Paat Jr. ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST PAGASA), member ng Technical Working Group at mga kawani ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.