Nagbigay pugay at pagkilala ang pamunuan ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) kay Cagayan Governor Manuel Mamba at sa Pamahalang Panlalawigan ng Cagayan.

Ang pagkilala ay personal na iginawad mismo ni Police Col. Renell Sabaldica, Provincial Director ng CPPO kay Gov.Manuel Mamba sa tanggapan ng Gobernador sa Kapitolyo ng Cagayan.

Sa pahayag ni PCol. Sabaldica, sinabi nitong malaki ang suportang natatanggap ng kapulisan ng Cagayan mula kay Gov. Mamba at sa Pamahalaang Panlalawigan.

Aniya, malaki din ang naiaambag ng PGC sa kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad at insurhernsiya sa probinsiya.

Dagdag pa ni PCol. Sabaldica na ang malakas at matibay na ugnayan ng mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan at CPPO ay angkop sa hangaring magkaroon ng mapayapang pamayanan at isang lugar na kaaya-aya para sa progreso at kaunlaran.

Pinarangalan din ng CPPO ang PGC sa nakalipas na 27th Police Community Relations dahil sa mga nagawa nito para sa programa ng kapulisan sa Cagayan.

Kamakailan ay hinirang na Best Police Provincial Office ang CPPO sa katatapos na 121st Police Service Anniversary ng PNP noong Agosto-08 sa Camp Crame, Quezon City. Pinarangalan din si PCol. Sabaldica bilang Best Senior Police Commissioned Officer for Administration sa buong hanay ng PNP.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang nagbigay ng parangal sa CPPO at PCol. Sabaldica